Pangulong Duterte simpleng selebrasyon lang ang gagawin sa kanyang birthday
Hindi nagpaplano si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang magarbong selebrasyon ng kanyang kaarawan ngayong linggo.
Sa March 28, araw ng Huwebes ang kaarawan ng Pangulo kung saan magiging 74 years old na siya.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo balak lang daw ng Pangulo na manatili sa kanyang bahay sa Davao City.
Ang nais lang ng pangulo ay makasama ang kanyang pamilya sa araw na iyon.
Ito rin ang karaniwang ginagawa ng pangulo sa kanyang kaarawan kahit pa noong alkalde pa lang siya ng Davao City.
Ipinanganak si Pangulong Duterte noong March 28, 1945 sa Maasin, Southern Leyte.
Ang kanyang ama ay si Vicente Duterte na naging parte ng gabinete ni noo’y Pangulong Ferdinand Marcos, at ang kanyang ina naman ay si Soledad Roa na isang guro.
Please follow and like us: