Pangulong Duterte tinanggap ang alok ng PDP laban na tumakbong VP sa eleksyon sa Mayo
Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang endorsement ng PDP laban na tumakbo bilang Vice president sa eleksyon sa Mayo.
Ito ang nakasaad sa statement na inilabas ng partido ni PDP laban Executive Vice president at Secretary Carlo Nograles.
Pinakinggan raw ng Pangulo ang matinding clamor ng mga kapartido na ituloy ng Pangulo ang laban sa terorismo,kurapsyon lalo na ang laban kontra COVID 19.
Wala pang kumpirmasyon mula sa Malakanyang pero inamin ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakipagpulong kagabi ang Pangulo sa ilang opisyal ng PDP laban kabilang na si Energy Secretary at PDP laban President Alfonso Cusi .
Ang napipisil ng Pangulo na maging runningmate na si Senador Bong Go ay hindi raw interesado sa pwesto.
Mas interesado raw siya ngayon sa kaniyang trabaho bilang Senador sa halip na mamulitika.
Meanne Corvera