Pangulong Duterte, tiniyak sa sambayanang Pilipino na tatapusin niya ang kaniyang termino

Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang pilipino na hindi niya iiwanan ang kanyang posisyon hanggang 2022.

Sa gitna ito ng madalas na hamon ng Pangulo kina Ombudsman Conchita Carpio Morales at Chief Justice Maria Lourdes Serreno na sabaysabay silang magbitiw sa puwesto.

Sinabi ng Pangulo na bagamat kaliwat kanan ang ginagawang pagbanat sa kanyang ng kanyang mga kalaban ay hindi niya iiwanan ang sambayanang pilipino.

Inihayag ng Pangulo na bagamat kung minsan ay napapagod na siya dala ng kanyang edad patuloy niyang ipaglalaban ang mga pagbabagong nais niyang ipatupad sa bansa lalo na ang paglaban sa korapsyon, kriminalidad at ilegal na droga.

Kaugnay nito umapela ang pangulo sa publiko na tumulong sa gobyerno upang maisulong ang ganap na pagbabago sa bansa.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *