Pangulong Duterte, tututukan ang pananalasa ng bagyong Rosita sa Northern Luzon
Imomonitor ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lugar na tatamaan ng bagyong Rosita sa Northern Luzon.
Sinabi ng Pangulo na tatawagan niya ang mga opisyal ng gobyerno na dadaanan ng bagyong Rosita batay sa pagtaya ng Pag-Asa, magla-landfall ang bagyong Rosita sa Cagayan at Isabela.
Umapila ang Pangulo sa Commission on Audit o COA na luwagan ang patakaran sa paggamit ng pondo ng pamahalaan na gagamitin si pagbibigay ng ayuda sa mga nasalanta ng kalamidad.
Nais ng Pangulo na huwag maantala ang pagbibigay ng tulong sa mga lugar na tatamaan ng kalamidad upang agad na makabangon ang mga ito sa pinsala.
Ulat ni Vic Somintac