Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dadalo sa ASEAN Summits and Related Summits sa Nobyembre
Nakatakdang dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kauna- unahan niyang ASEAN Summits na gaganapin sa Phnom Penh, Cambodia.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isasagawa ang 40th at 41st ASEAN Summits and Related Summits mula November 10 hanggang 13 sa Cambodia.
Ito ang unang in-person na ASEAN Summits mula nang magsimula ang pandemya.
Kaugnay nito, dumalo ang delegasyon ng Pilipinas para sa serye ng preparatory meetings.
Si Foreign Affairs Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs at Philippine Senior Officials’ Meeting (SOM) Leader Ma. Theresa Lazaro ang nanguna sa Philippine delegation sa nasabing joint consultative meetings.
Tinalakay sa mga pagpupulong ang mga paghahanda para sa summit.
Napag-usapan din ng mga opisyal ang post-pandemic economic recovery initiatives ng ASEAN, ang aplikasyon ng Timor-Leste para maging miyembro ng ASEAN at iba’t ibang regional at international issues.
Moira Encina
Salamat Po LAGI KAMING na update sa mga Balita Mula sa radyo Aguilar.