Pangulong Marcos hinimok ang PFP na palakasin ang partido
Sa halos dalawang taon, marami na umanong naging accomplishment ang Marcos administration.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagawa nila ito dahil sa pagkakaroon ng unity, open at engaging approach sa kanyang administrasyon.
“Now, if you look at it, we have not yet been in office for two years but in that small time, napakarami na nating nagawa, napakarami na nating naumpisahan,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr. sa oathtaking ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas.
Malaking bagay aniya ang pagkakaisa sa pamahalaan. “And the reason is that because we have been working together, we have been following the same plan, we have come together, nakipag-ugnayan tayo; ‘Ano bang problema doon sa inyong region, sa iyong probinsya, sa iyong bayan,’ at pinakinggan natin silang lahat hindi lamang ‘yung mga political leader, kung di pati na ang taong bayan, at makinig tayo.” dagdag ng pangulo.
Nanawagan rin si PBBM sa kanyang mga kasamahan sa PFP na patuloy na palakasin ng partido.
Ang PFP ay itinatag noong 2018, at si Pangulong Marcos ang kasalukuyang chairman nito.
Matatandaang ang PFP, Lakas-CMD, Hugpong ng Pagbabago at Partido ng Masang Pilipino at iba pang guest candidates mula sa ibang partido ang bumuo sa UniTeam Alliance noong 2022 national polls.
Madelyn Moratillo