Pangulong Marcos iginiit na ang Tsina ang nagpapalala sa tensyon sa WPS
Nababahala na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga ginagawang hakbang ng China sa West Philippine Sea.
Una rito ay nagdeklara ang China ng fishing ban sa South China Sea kung saan may bahagi na ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang damay.
Naglabas rin sila ng bagong regulasyon na aarestuhin at ikukulong ang mga tresspaser sa kanilang teritoryo kung saan isinama rin nila ang bahagi ng West Philippine Sea.
Giit ni PBBM, lalo lang pinalalala ng China ang tensyon sa WPS.
Ayon sa pangulo, may ginagawa ng back channel na pag-uusap para pakalmahin ang tensyon.
“Yes of course, I’ve said it many times we should try anything. We don;t know what effort is going to be successful so any point of contact that i can establish, I will use it. At every level, at the leaders level, at the ministerial, sub-ministerial, private, as long as it gives,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Kailangan na aniyang matigil ang pagiging agresibo ng China sa WPS.
Matatandaang ilan sa mga ginagawa ng China Coast Guard ay ang paggamit ng water cannon, lasers, paglalagay ng barrier sa Bajo de Masinloc at pagharang sa mga mangingisdang Pinoy.
“And if we can get to that, then will to the next step and see if we can see a way to solve all these claims so we cannot all go about our business in a peaceful way and try develop our countries. There’s always all this efforts at every level,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Madelyn Moratillo