Pangulong Rodrigo Duterte at Indian President Ram Nath Kovind, nagpulong sa Malakanyang…kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at India, nilagdaan
Nagpulong sa Malakanyang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Indian President Ram Nath Kovind.
Pasado alas-4:00 ng hapon ng dumating si President Kovind sa Malakanyang at gagawaran sana ng arrival honor sa Palace garden subalit dahil umambon kaya inilipat na lamang ito sa loob ng palasyo ng Malakanyang.
Pagkatapos ng arrival ceremony lumagda sa guest book ng Malakanyang si President Kovind.
Nagkaroon ng Bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Duterte at President Kovind kasama ang kanilang mga cabinet officials.
Sa opening statement pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang Indian government sa patuloy na tumatatag na relasyon ng Pilipinas at India sa loob ng 70 taon.
Sa statement naman ni President Kovind sa bilateral meeting ipinarating niya ang pakikiramay sa mga biktima ng paglindol sa Mindanao na niyanig ng magnitude 6.3 na lindol.
Nagkaroon din ngpaglagda ng apat na Memorandum of Understanding o MOU sa pagitan ng Pilipinas at India na may kaugnayan sa MOU on Tourism cooperation, MOU on Cooperation on Science and Technology, MOU on Maritime security at MOU Cultural exchange program.
Nagkaroon din ng joint press statement sina Pangulong Duterte at President Kovind.
Hinandugan din ni Pangulong Duterte si President Kovind ng State banquet sa palasyo ng Malakanyang bilang pasasalamat sa pagbisita nito sa Pilipinas na tatagal ng limang araw.
Ulat ni Vic Somintac