Pangulong Rodrigo Duterte at Sri Lankan President Maithripala Sirisena, nagpulong sa Malacañang

Bumisita sa Malacañang si Sri Lankan President Maithripala Sirisena at nakipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kanyang limang araw na state visit sa Pilipinas.

Binigyan ni Pangulong Duterte  ang Sri Lankan President ng tradisyunal na welcoming ceremony sa Kalayan Grounds sa Malacanang.

Pagpasok sa Palasyo, tulad ng mga pinuno ng bansa na nag-state visit sa bansa pumirma si President Sirisena sa guestbook ng Malakanyang. Kasunod nito nagkaroon ng bilateral meeting ang dalawang Pangulo kung saan  pinag-usapan ang  pagtutulungan sa mga area ng may mutual interest ang Pilipinas at Sri Lanka partikular ang usaping politikal, ekonomiya agricultural at kultura.

Hinandugan din ni Pangulong Duterte si President Sirisena ng isang state banquet sa Malakanyang.

Bukod sa pagbisita sa Malacanang ni President Sirisena, nakatakda rin siyang bumisita sa Asian Development Bank at International Rice Research Institute in Los Baños, Laguna.

Makikipagkita rin President Sirisena sa Sri Lankan community sa Maynila. Itinuturing ng Pilipinas na makasaysayan ang pagbisita ni President Sirisena bilang kauna-unahang Sri Lankan President na naninilbihan pareho bilang Head of State and Government sa ilalim ng 1978 constitution ng Sri Lanka.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *