Panibagong batch ng OFWs mula sa Lebanon, nakauwi na sa bansa

Courtesy: DMW

Karagdagang 50 OFWs mula sa Lebanon ang nakabalik na sa bansa ngayong Biyernes, November 8 sa harap ng patuloy na kaguluhan sa Lebanon.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), lumapag sa NAIA Terminal 3 ang Emirates Airlines flight EK 336 kung saan nakasakay ang mga Pinoy.

Sa ngayon ay umaabot na sa 985 OFWs at 47 dependents mula sa Lebanon ang nakauwi na sa Pilipinas mula noong nakaraang taon sa ilalim ng voluntary repatriation program ng gobyerno bunsod ng giyera ng Hezbollah at Israel.

Courtesy: DMW

Isa sa mga nakauwi ang OFW na si Lucy Fernandez Anterola na 43 taong nagtrabaho sa Lebanon bilang domestic helper at caregiver.

Bagamat nais niya na manatili sa Lebanon para sa kaniyang employer at mga kaibigan, ay nagpasya si Fernandez na boluntaryong magparepatriate para na rin sa kaniyang kaligtasan dahil sa nagpapatuloy na pambobomba sa Lebanon.

Ayon kay Anterola, “Tumatanda na ako dahil gusto kong makasama pamilya ko at sitwasyon sa lebanon hindi talaga maganda ayaw ko pong umabot na kami ay mapulbos.’

Moira Encina – Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *