Panibagong batch ng PDLs lumaya ngayong araw
Kabuuang 1,000 persons deprived of liberty (PDLs) ang lumaya sa iba’t ibang kulungan ng Bureau of Corrections (BuCor) mula Abril hanggang Mayo.
Kasama sa mga ito ang 195 PDLs na nakalabas na ng kulungan ngayong Biyernes makaraan na mapagsilbihan ang sentensya.
Sa tala ng BuCor, ang PDLs na lumaya noong Abril ay 805, habang 195 naman mula Mayo 1-10 ngayong taon.
Pinakamarami sa mga lumaya ay mula sa New Bilibid Prisons na 135.
Batay pa sa tala ng BuCor, mahigit 3,000 inmates na ang lumaya mula Enero ngayong taon.
Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang, Jr., na patuloy ang pagpapalaya alinsunod sa decongestion program nito.
Malaki aniya ang maitutulong sa pagpapaluwag ng kulungan ang ruling ng Korte Suprema na kuwalipikado ang heinous crime convicts sa Good Conduct Time Allowance.
Moira Encina