Panibagong batch ng PDLs mula sa Bilibid at CIW, inilpat sa Iwahig Prison and Penal Farm
Umaabot sa mahigit 1,500 inmates na ang nailipat sa regional prisons ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ito ay makaraang ilipat ang panibagong 450 inmates mula sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institution for Women (CIW) sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa, Palawan.
Sa nasabing bilang, 396 preso ang mula sa medium security compound, apat mula sa maximum security compound ng Bilibid at 50 mula sa CIW.
Ang mga PDL ay guwardiyado ng 150 security escorts habang sakay ng commercial vessel.
Sinabi ng BuCor na layunin ng Oplan Lipatan na mapaluwag ang mga piitan at maihiwalay ang PDLs sa mga iligal na aktibidad sa Bilibid.
Bahagi din anila ito ng paghahanda para sa planong pagsasara ng Bilibid at CIW sa 2028.
Gagawin nang government center at food and transportation hub ang 357- ektaryang Bilibid property sa Muntinlupa City.
Moira Encina