Panibagong oil price rollback, asahan sa mga susunod na araw
Asahang muli ang tapyas presyo sa mga produktong petrolyo ngayong linggong ito.
Ayon sa oil companies, posibleng bumaba sa P1.70 hanggang P1.90 ang kada litro ng diesel habang ang presyo ng gasolina ay maaaring mabawasan ng P4.70 hanggang P4.90 kada litro.
Sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na ilan sa mga kadahilanan ng bawas presyo sa langis ay ang lockdown sa China at pagtaas ng interest rate sa Estados Unidos at ibang mga bansa.
Nauna nang nagpatupad ng big-time rollback noong nakaraang Martes kung saan P5.70 ang binawas sa kada litro ng gasolina, P6.10 sa kada litro ng diesel at P6.30 sa kada litro ng kerosene.
Gayunman, sabi ng ilang grupo ng mga jeepney operators at drivers na maliit lamang ang bawas presyo sa langis kung susumahin ang sunod-sunod na pagtaas ng petrolyo sa loob ng nagdaang 7 linggo.