Panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas
Asahan muli ang panibagong dagdag presyo sa mga produktong petrolyo.
Sa ipinalabas na advisory ng mga kumpanya ng langis, nasa P0.50 ang ipapataw na dagdag presyo sa kada litro ng gasolina.
Habang P1.65 naman sa diesel at P0.10 sa kada litro ng kerosene.
Karaniwang ipinatutupad ang taas-presyo tuwing Martes mula alas-6:00 ng umaga maliban sa Cleanfuel na alas-8:00 ng umaga nagpapatupad ng taas-presyo sa kaparehong araw.
Nauna nang ipinahayag ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. na posibleng pumalo sa P100.00 ang presyo ng langis kung magtutuluy-tuloy pa ang lingguhang oil price hike dulot ng global demand at tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.