Panukalang 10 days paid bereavement leave , inihain sa Kamara
Nakapaloob ito sa House Bill 2345 o Bereavement Act na inihain nina TINGOG Party-list Representatives Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre.
Layunin ng panukalang batas na magkaroon ng pagkakataon ang mga manggagawa na makapagluksa at unti- unting makabangon mula sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay ng hindi nasasakripisyo ang kanilang suweldo.
Nakalagay sa panukalang batas na ang 10 days paid bereavement leave ay hindi pwedeng maging basehan ng anumang aksiyon laban sa empleyado tulad ng misconduct, demotion o termination sa trabaho.
Niliwanag nina Romualdez at Acidre na ang panukala ay alinsunod sa itinatakda ng Section 18 Article II ng 1987 Philippine Constitution na mandato ng estado na protektahan ang mga karapatan ng mga manggagawa at isulong ang kanilang kapakanan.
Kapag naging batas ang lalabag dito na employer ay pagmumultahin ng 20,000 pesos at pagkakulong ng 15 araw hanggang isang buwan at kung ang lalabag ay kompanya o asosasyon at ang mga opisyal nito ang mahaharap sa kaparusahan.
Vic Somintac