Panukalang 13.8 bilyong pisong pondo ng COA inaprubahan na sa committee level ng Senado

Photo: coa.gov.ph

Inaprubahan na sa committee level ng Senado ang panukalang 13.8 bilyong pisong pondo ng Commission on Audit para sa 2032.

Halos sampung minuto lang tinalakay ang pondo ng COA sa Senate Finance Committee na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara.

Sa kaniyang presentaion, umapila si COA Commissioner Roland Pondoc na maragdagan ang kanilang taunang budget.

Sa kasalukuyan aniya nabawasan ng 5.25 percent ang kanilang taunang alokasyon sa ilalim ng national expenditure program.

Dahil dito apektado ang kanilang maintenance at ibang operating expenses at personnel services.

Nagsumite na aniya sila ng sulat kay Senate President Juan Miguel Zubiri para hilingin na ibalik ang tinapyas na pondo.

Nangako naman si Angara na pag-aaralan ang request ng COA bilang pagpapakita ng paggalang sa ahensiya.

Ang COA ang nagre-review sa paraan ng paggastos ng pondo ng mga ahensya ng pamahalaan kasama na ang pagbusisi kung nagkaroon ng iregularidad.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *