Panukalang 4 day work week sa pribado at pampublikong tanggapan dedesisyunan ngayong araw ni Pangulong Duterte – Malakanyang
Malalaman ngayong araw ang pasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang 4 day work week sa pribado at pampublikong mga tanggapan.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar nasa kamay ni Pangulong Duterte kung papayagan ang panukalang 4 day work week.
Ayon kay Andanar mismong ang National Economic Development Authority o NEDA ang nagpanukala ng 4 day work week upang makatipid ang mga pribado at pampublikong mga tanggapan ganundin ang mga empleyado dahil sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Batay sa rekomendasyon ng NEDA apat na araw na lamang na papasok ang mga manggagawa sa pribado at pampublikong tanggapan subalit sa halip na 8 oras ang duty ay magiging 10 oras kada araw upang makatipid sa kuryente at transportation expenses.
Vic Somintac