Panukalang amyenda sa Partylist System, isusulong sa Senado para ‘di na magsagawa ng Cha-Cha
Maghahain si Senate President Vicente Sotto III ng panukalang batas para paamyendahan ang batas sa Partylist System.
Ito’y para hindi na kailangang magsagawa ng Charter Change ( Cha-Cha) at amyendahan ang 1987 Constitution.
Katwiran ni Sotto, target lang naman ng Cha-Cha na nais ng Pangulo ay tanggalin ang mga Partylist group na nagsusulong ng pagpapatalsik sa gobyerno.
Sa pamamagitan rin aniya ng panukala, maaalis ang duda na nais ng Pangulo ang term extension.
Paglilinaw ng Senador, hindi siya pabor na i-abolish ang Partylist kundi amyendahan at linawin ang mga probisyon ng batas.
Makikipagdayalogo raw si Sotto sa mga lider ng Kamara para matiyak na uusad ang panukala at maipapasa sa nalalabing termino ng administrasyon.
Meanne Corvera