Panukalang batas na bigyan ng plantilla position ang mga Contract of Service at Job order na empleyado sa gobyerno isinalang sa Kamara
Tinatalakay na sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 7027 ang panukalang batas na magbibigay daan para mabigyan ng plantilla position ang mga empleyado sa gobyerno na nasa uring Contract of Service o COS at Job Order o JO na mayroong Civil Service Eligibility.
Mismong si Congresswoman Kristine Alexie Tutor Chairman ng House Committe on Civil Service and Professional Regulation at may akda ng House Bill 7027 ang nag-sponsor sa plenaryo ng Kamara.
Sinabi ni Tutor ang kanyang panukalang batas ay sumusuporta sa isinusulong ng pamahalaan na right sizing at staffing patern upang makatipid ang gobyerno at maalis na ang contractualization.
Ayon kay Tutor panahon na para mabigyan ng security of tenure at karampatang benipisyo ang mga contractual employees ng gobyerno.
Sa ngayon pahirapan ang makakuha ng plantilla position sa gobyerno sa pagpapatupad ng Contract of Service at Job Order na pawang co-terminous position ng appointing authority.
Vic Somintac