Panukalang batas na humihiling na alisin ang bisa ng bank secrecy law sa bank account ng mga government officials inihain sa Kamara
Isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na alisin sa bank secrecy law ang bank accounts ng government officials.
Ito ang nilalayong House Bill no. 4060 na inihain ni Quezon City Congressman Arjo Atayde.
Ang panukalang batas ni Atayde ay mag-aamyenda sa Section 2 ng Republic Act 1405 na kilala bilang Secrecy of Bank Deposits Law.
Sinabi ni Atayde na sakop ng kanyang panukalang batas na alisin ang bisa ng Bank Secrecy Law sa lahat ng government officials elected o appointed position kasama ang mga civilian at uniformed personnel ng police military gayundin ang mga nasa government owned and controlled corporations.
Inihayag ni Atayde sa pamamagitan ng pag-aalis ng bisa ng bank secrecy law sa lahat ng mga nasa gobyerno ay mapapadali ang mga isasagawang imbestigasyon sa mga nasasangkot sa katiwalian na lumulustay ng pera ng taong bayan.
Vic Somintac