Panukalang Batas na layong ibaba ang singil sa Political Advertisement, inihain sa Senado

Nais ni Senate President Aquilino Pimentel na bawasan ng hanggang 50 percent ang bayad sa mga Political Advertisement.

Sa kaniyang Senate Bill 1777, pina-aamyendahan nito ang Republic Act 9006 o Fair Election Act na nag-oobliga sa mga media entities na babaan ang singil sa kanilang mga advertisers.

Sa kaniyang panukala, nais ni Pimentel na ibaba ng 50 percent ang rate sa Television, 30 percent sa Radyo at 20 percent sa Print media.

Sa ilalim aniya ng Article II, Section 26 ng Saligang Batas, obligasyon ng Estado na tiyakin ang equal access para sa Public service.

Pero may mga kandidato umano na kwalipikado pero hindi nakaabante at hindi makasabay sa kompetisyon dahil sa napakamahal na commercial rates ng mga media entities.

Tinukoy nito ang report ng Comelec noong 2016 national elections, kung saan gumastos ng 100 hanggang tatlong daang milyong piso ang mga Presidential candidates o katumbas ng 2.25 million sa bawat oras ng pagpapalabas ng kanilang Pol Ads.

Senador Koko:

“In order to pre-empt media entities from spiking their rates immediately prior to an election, the rates will be based on an average of rates charged to their most favored advertisers during the first three quarters of the two calendar years preceding the elections”.  The reason we have campaign spending limits is due to the temptation for corruption generated by excessive expenses during a campaign. Some politicians think it entitles them to ‘recoup’ their ‘investment’ using public funds”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *