Panukalang batas na magbabawal sa POGO sa bansa inihain sa kamara
Sa gitna ng mga kontrobersiya laban sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na tuluyan na itong ibagbawal sa bansa.
Ito ang House Bill 5082 o Anti POGO Act na inihain ni Manila Congressman Bienvenido Abante na naglalayong i-ban at ideklarang ilegal ang mga POGO dahil ito ay panunuya sa anti-money laundering, immigration at tax laws sa bansa.
Ayon kay Abante naging pugad ng mga krimen ang POGO at ang operasyon nito ay nakakaapekto sa pagkawala ng trabaho ng mga Pilipino dahil sa dumaraming dayuhang manggagawa at pagkalulong sa sugal.
Kapag naging ganap na batas, ipagbabawal ang anumang offshore o pagtatayo ng POGO hub sa bansa at ang sinumang lalabag ay papatawan ng parusang 4 hanggang 10 taong pagkakakulong, at multang 100,000 pesos hanggang 10 million pesos.
Vic Somintac