Panukalang batas na magpapabilis sa pagpapalabas ng mga permit inihain sa Senado
Isinusulong ng mga Senador ang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan sa Pangulo para mapabilis ang pag-iisyu ng permit at lisensya sa mga ahensya ng gobyerno habang may nararanasang Covid-19 Pandemic.
Sa Senate Bill 1844 o Ease of doing Business na isinusulong nina Senate President Vicente Sotto III, Senador Ralph Recto, Juan Miguel Zubiri at Franklin Drilon, maaaring iutos ng Pangulo ang suspensyon sa mga requirements kung ang permit at lisensya ay ire-renew lamang.
Maaari ring magtakda ang Pangulo ng mas maigsing panahon para makuha ang lisensya, permit o anumang certification.
Sakop nito ang lahat ng departamento, ahensya at kumisyon na nasa ilalim ng Executive Department kasama na ang mga Government Owned and Controlled Corporation (GOCC’s).
Kabilang dito ang Bureau od Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs, Environmental Management Bureau, National Water Resources Board, Bureau of Immigration, Land Transportation office (LTO)at Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Maaari namang suspendihin o tanggalin ang sinumang opisyal at kawani ng Gobyerno na susuway sa utos ng Pangulo na pabilisin ang pag-iisyu ng mga lisensya at permit.
Meanne Corvera