Panukalang batas na magtatatag ng Digital Prison System sa BuCor at BJMP isinusulong sa Kamara

Inihain ni House Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos ang panukalang batas na mag-aatas sa Bureau of Corrections o BuCor at Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na magtatag ng Digital Prison Records System sa mga bilangguan.

Ito ang House Bill 9194 na magbibigay daan sa digitalization ng mga records system para sa pagsasaayos ng mga impormasyon ng Persons Deprived of Liberty o PDL na may kinalaman sa kanilang kinahaharap na kaso at court orders.

Layunin ng panukalang batas na magkaroon ng efficiency, transparency at accuracy sa criminal justice system sa bansa.

Nakasaad din panukala na pangungunahan ng BuCor at BJMP ang digitalization at migration ng paper-based documents at records sa sistema para sa PDLs na nasa kustodiya nila.

Magiging accessible ang sistema sa law enforcement agencies at korte sa pamamagitan ng duly authorized officers at agents pati na sa legal counsels ng mga PDLs.

Maaaring itong ma-integrate sa umiiral na records management system ng law enforcement agencies at korte basta’t may pahintulot ng Korte Suprema.

Makikipag-ugnayan ang BUCOR at BJMP sa Department of Information and Communications Technology o DICT at National Privacy Commission o NPC sa pagbuo ng rules at regulations para sa tamang implementasyon ng batas.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *