Panukalang batas na nagbabawal sa expiration date ng mga gift check, niratipikahan na sa Senado
Niratipikahan na ng senado ang bicameral conference committee report hinggil sa panukalang batas na nagbabawal sa expiration date sa mga gift check.
Una ng inihayag ni Senador Juan Miguel Zubiri, may-akda ng senate bill 1466 o gift check act of 2017 na pursigido ang kongreso na aprubahan ang nabanggit na panukala maging ang implementing rules and regulations nito bilang paghahanda sa holiday season.
Alinsunod sa bill, papatawan ng kalahati hanggang isang milyong pisong multa ang mga lalabag sa unang offense.
Para naman sa second offense, sususpendehin ng tatlong buwan ang issuance ng gift check ng sinumang lumabag, habang sa 3rd offense, bilang karagdagan sa multa, pagbabawalan na ang violator na maglabas ng gift check.