Panukalang batas na titiyak sa farm inputs support ng gobyerno sa mga magsasaka inihain sa Kamara

Isinusulong ngayon sa mababang kapulungan ng kongreso ang panukalang batas na titiyak sa farm inputs support ng gobyerno sa mga magsasaka.

Inihain ni congressman Jose Maria Zubiri ang house bill 8818 o ang national seedling and fertilizer subsidy program act upang matulungan ang mga magsasaka.

Ayon kay zubiri kapag naging ganap na batas ang kanyang panukala ang Department of Agriculture o DA ang magiging implementing agency.

Inihayag ni Zubiri kung hindi tutulungan ng gobyerno ang mga lokal na magsasaka mananatiling rice import dependent ang pilipinas sapagkat kulang na kulang ang rice production ng bansa dahil sa ibat-ibang kadahilanan tulad ng pananalasa ng mga kalamidad at kulang ang government support sa mga magsasaka.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *