Panukalang batas para gawing permanente ang ayuda sa AKAP ng DSWD inihain
Isinusulong ng kamara ang panukalang batas na gawing permanente na ang ayuda sa Kapos Ang Kita Program o AKAP ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Courtesy: House index
Ito’y matapos na ihain ni Camarines Norte Congresswoman Rosemarie Panotes, ang House Bill 10700 o AKAP Act.
Sinabi ng mambabatas na ang AKAP ay nakapaloob sa special provision ng 2024 national budget, na naglalayong bigyan ng financial aid ang mga low income earner na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo dulot ng inflation.
Ayon sa kongresista, naging epektibo ang AKAP ng DSWD para matulungan ang mga kapos ang kita, kaya dapat itong isabatas na para kahit sino ang nakaupo sa gobyerno ay tuloy-tuloy ang ayuda sa vulnerable sector na magkaroon ng access sa basic services ng pamahalaan.
Vic Somintac