Panukalang batas para mabigyan ng prangkisa ang San Miguel Aerocity, pasado na sa 2nd reading sa Senado
Matapos ang mahigit anim na oras na debate sa plenaryo ng senado, pinagtibay na sa second reading ang panukalang batas para mabigyan ng prangkisa ang San miguel aerocity at masimulan na ang konstruksyon ng new manila international airport.
Ayon kay Senator Grace Poe na Chairman ng Senate Committee on public services, malaking tulong ito sa gobyerno dahil walang gagastusin sa pagpapatayo ng bagong domestic at international Airport sa bulacan.
Kung Pinal na mapagtitibay, sisimulan agad P 735 billion airport project na inaasahang matatapos sa susunod na sampung taon.
Habang itinatayo ang paliparan, Libre sa pagbabayad ng buwis ang kumpanya pero pa patawan na sila ng buwis kapag kumikita na ang airport.
Malaki aniya ang pakinabangan ng gobyerno dahil makapagbibigay ito ng mahigit apatnaraang libong trabaho sa mga pilipino.
Mapapalakas rin anya ang turismo dahil inaasahang kaya nitong I accommodate ang may 70 milyong mga pasahero taon taon doble sa kapasidad ng ninoy aquino international airport.
Babayaran naman aniya ang mga residente sa bulacan na maaring mawalan ng bahay Bukod pa sa cash aid na ibibigay ng gobyerno.
Sa ngayon ayon sa senador, nai relocate na ang karamihan sa mga residente sa ibang bahagi ng bulacan,, rizal, nueva ecija at antipolo
Bago isalang ang deliberasyon sa panukala, naging emosyonal pa si Senador Pia Cayetano.
Bilang chairman ng Senate ways and Means committee, Kasalukuyan kasi itong nakasalang para sa sponsorship debate ng create bill para sa rationalization ng tax incentives pero ipinatigil ito para bigyang daan naman ang deliberasyon ng prangkisa.
Depensa naman ni senate president Vicente Sotto, kailangang madaliin nila ang panukala dahil kasama ito sa priority agenda ng administrasyon.
Habang naantala aniya ang pagpapatibay sa prangkisa ay nalulugi ang San miguel aerocity.
Meanne Corvera