Panukalang batas para protektahan ang livestock industry isinusulong sa Senado
Isinusulong ni Senador Cynthia Villar ang panukalang batas na magbibigay proteksyon sa livestock industry sa bansa.
Ito’y para mapigilan at hindi na maulit ang avian flu virus na nakaapekto na sa mahigit dalawandaang libong manok sa Pampanga.
Bukod sa Pampanga apat na lugar pa sa Cebu ang masusing minomonitor na hinihinalang apektado rin ng bird flu virus.
Sinabi ni Villar, Chairman ng Senate Comm. on Agriculture na 33 percent ng produkto mula sa agriculture ay galing sa livestock tulad ng manok, itlog at dairy products.
Nangangamba ang Senadora na maapektuhan ang suplay ng pagkain lalo na sa Metro Manila kapag hindi napigilan ang pagkalat ng virus at hindi naprotektahan ang industriya.
Pinatitiyak naman ni Villar sa Department of Agriculture na mabibigyan ng tulong pinansyal ang mga mga nasa livestock industry na naapektuhanm ng influenza virus.
Kasabay nito, inilunsad ni Villar ang gulayan sa Maynila para tulungan ang may sampung libong residente na makatugon sa food sufficiency ng bansa.
Target aniya ng agriculture na gawin ang kaparehong programa sa mga residenteng nasa palgid ng Pasig river at Laguna de Bay.
Ulat ni:Mean Corvera