Panukalang BBL isusumite ng Bangsamoro Transition Commission kay Pangulong Duterte sa July 17
Isusumite na ng Bangsamoro Transition Commission kay Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong draft ng Bangsamoro Basic Law o BBL sa susunod na linggo.
Sa regular briefing sa Malakanyang kinumpirma ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza na ituturn-over kay Duterte ang BBL draft sa Malakanyang sa darating na Lunes July 17.
Sinabi ni Dureza hindi pa niya nababasa ang bagong bersyon ng BBL.
Ayon kay Dureza irerekumenda niya kay Pangulong Duterte na masertipikahan ang panukala bilang urgent Bill.
Inihayag ni Dureza na “final call” pa rin ng Pangulo kung sesertipikang urgent Bill ang BBL upang mapabilis ang galaw nito sa Kongreso.
Tiniyak ni Dureza na sa oras na maiturn-over ang bagong BBL draft kay Pangulong Duterte agad na ipapasa ito sa Senate President at House Speaker.
Ulat ni: Vic Somintac