Panukalang condonation para sa mga land beneficiaries ng CARP lusot na sa 2nd reading ng Senado
Lumusot na sa Second Reading ng Senado ang panukalang condonation para sa mga land beneficiaries ng Comprehensive Agrarian Reform Program ( CARP).
Ayon kay Senador Cynthia Villar na Chairman ng Senate Committee on Agriculture, layon nitong mapalaya ang mga magsasaka sa lahat ng kanilang pagkakautang.
Sa pamamagitan rin nito maaari na nilang i-develop ang mga lupang sinasaka at makapag produce ng pagkain.
Sakop ng condonation ang lahat ng Loan, Penalties, Interest at Surcharge mula 14.62 billion na iginawad sa mga lupaing pang Agrikultura.
Sa ilalim kasi ng Republic Act 6657 o Agrarian Reform Law, ang mga Land Beneficiaries obligadong magbayad ng amortization sa mga lupang nai-award sa kanila sa loob ng 30 taon pero marami sa mga magsasaka hindi nakabayad.
Sa inaprubahang new Agrarian Emancipation Act , masasakop ng malilibre sa pagbabayad ng loan ang mahigit one point one million na ektarya ng lupain.
Meanne Corvera