Panukalang gawing 120 days ang maternity leave ng mga ina aprubado na sa Senado
Inaprubahan na sa third at final reading ng Senado ang panukalang palawigin pa ang maternity leave ng mga ina.
Dalawamput dalawang Senador ang pumabor sa Senate Bill 1305 o Maternity Leave Law na layong protektahan ang mga nagdadalang-tao.
Sa panukala, mula sa kasalukuyang 60 days, magiging 120 days na ang maternity leave with pay ng mga ina.
Maaari pa itong i-extend hanggang 150 days pero hindi obligado ang mga kumpanya na bayaran ang karagdagang 30 days leave.
Ang mga solo parents naman at nagsilang ng mga batang may kapansanan ay bibigyan ng hanggang 150 days na leave with pay.
Ulat ni : Mean Corvera
Please follow and like us: