Panukalang ibaba ang criminal age liability haharangin ng oposisyon sa senado
Haharangin ng oposisyon sa senado ang anumang amyenda sa juvenile justice law na layong ibaba pa ang edad ng mga kabataang maaring sampahan ng kaso.
Ayon kay Senador Antonio Trillanes, anti poor, anti family at hindi makatarungan ang nais mangyari ng mga mambabatas.
Sinabi ni Trillanes na alam at dinanas nha ang hirap sa loob ng kulungan o kahit pa sa bahay pag-asa na maari aniyang magresulta ng pagka trauma ng isang bata.
Iginiit ni Trillanes na ang mga batang may edad na mas mababa pa sa kinse anyos ay hindi pa emotionally at psychologically mature at hindi pa maauunawaan ang katapat na parusa ng kanilang ginawang mga paglabag.
Sa halip na parusahan, naniniwala si Trillanes na dapat muna silang issilalim sa rehabilitation at counselling.
nNuna nang ring tinutulan nila Senador Bam Aquino at Risa Hontiveros ang panukala at iginiit na marami sa mga batang nasasangkot sa krimen ay epekto lamang ng kahirapan.
Ulat ni Meanne Corvera