Panukalang isama ang Labor Education sa Curriculum sa kolehiyo, tinatalakay na sa plenaryo ng Senado
Isinalang na sa debate sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na maisama sa mga subject course sa kolehiyo ang Labor Education.
Layon ng Senate bill 1513 o Labor Education Act na maintindihan ng mga estudyante ang kanilang karapatan at mga responsibilidad oras na pumasok na bilang mga manggagawa.
Kasama sa mga ipinapanukalang ipaloob sa curriculum ang isyu ng labor rights and welfare.
Tulad ng Minimum wage labor standards ,Overtime pay,Night shift differential ,Holiday pay at mga sickness at iba pang leave.
Ayon kay Senador Joel villanueva na Chairman ng Senate labor committee, maraming mga manggagawa ang nabibiktima ng pang aabuso dahil hindi alam ang occupational safety at work standards .
Meanne Corvera