Panukalang itaas ang minimum wage ng mga nurse sa mga pribadong ospital isinulong sa Senado
Isinusulong ni senador Cynthia Villar ang pagbibigay ng mas mataas na minimum wage sa mga nurse ng mga pribadong ospital.
Iginiit ng senador na mahalaga ang papel ng mga nurse at mas madalas na nasa panganib lalo ngayong may umiiral na covid-19 pandemic.
Naghain na si Villar ng Senate bill no 1837 para atasan ang national wages and productivity commission ng department of labor and employment na magtakda ng bagong minimum wage.
Dapat aniyang ikonsidera ang kasalukuyang cost of living, lokasyon ng kanilang pinagtatrabahuhang ospital at sweldo ng mga nurse sa mga pagamutan sa gobyerno.
Sa report aniya ng bureau of local employment ng dole, umaabot lang sa 8,000 hanggang 13, 500 ang entry level ng mga nurse kada buwan.
wala pa aniya ito sa kalahati ng basic monthly salary ng mga nurse sa mga ospital ng gobyerno na umaabot na sa 32,000 kada buwan.
Meanne Corvera