Panukalang magpatupad ng moratorium sa pagbabayad ng upa sa panahon ng kalamidad at emergency aprubado na sa Senado
Lusot na sa Committee level ng Senado ang panukalang batas para sa pagpapataw ng moratorium sa pagbabayad ng upa sa bahay sa panahon ng kalamidad at mga emergency.
Sa Senate Bill 1525 or Rental Payment and Eviction Moratorium act na inakda ni Senator Lito Lapid , mahigpit na ipagbabawal ang pagppatalsik sa sinumang nangungupahan kapag hindi ito agad nakapagbayad sa panahon ng mga kalamidad gaya ng nararanasang COVID 19 pandemic.
Tinukoy ni Lapid sa panukala ang milyon milyong nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng pandemya .
Layon aniya ng panukala na tulungan na makabangon ang mamamayan habang sila ay bumabawi pa mula sa epekto ng kalamidad at ipinapanumbalik ang kanilang mga trabaho at negosyo.
Sa panukala , bibigyan naman ng kapangyarihan ang Department of trade and industry na palawakin ang moratorium sa mga micro small and medium enterprises.
Meanne Corvera