Panukalang night shift differential pay ,Nilagdaan na ni Pangulong Duterte
Mabibigyan na rin ng Night Shift Differential ang mga kawani ng pamahalaan kabilang na ang mga healthcare workers sa mga pampublikong Ospital.
Nilagdaan na kasi ng Pangulo at isa ng batas ang Republic Act No. 11701 o “act granting night shift differential pay to government employees.
Kasama sa makakatanggap ng benepisyo ang lahat ng mga manggagawang nagtatrabaho sa mga Government Owned and Controlled Corporation.
Nagpasalamat si Senator Ramon Bong Revilla sa Pangulo sa pagsasabatas ng kaniyang panukala na pakikinabangan ng mga government frontliners.
Nakasaad sa batas na ang mga kawani ng pamahalaan, tatanggap ng night shift differential pay na hindi lalagpas sa dalawampung posyento ng hourly basic rate ng isang empleyado.
Inaamyendahan din ng batas ang Republic Act no. 7305 o ang “Magna carta of Public Health Workers” na nagtatakda lamang sa 10% ng kanilang regular wage bilang night shift differential pay.
Meanne Corvera