Panukalang pagbuo ng emergency management agency hiniling na isama sa priority Bills ng Kongreso

Inihihirit ni  Magdalo Rep. Gary Alejano sa mga kapwa Kongresista na isama sa prayoridad ang pagsasabatas ng panukala para sa pagtatag ng emergency management agency.

Ayon sa Kongresista,  mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabi sa SONA na kailangan na ng ahensiya na tututok sa disaster response.

Base sa House Bill 108, itatag ang emergency management agency at ipapasailalim sa tanggapan ng Pangulo.

Ito ang mangangasiwa sa Disaster Mitigation and Preparedness measures pati na sa quick response para mabawasan ang panganib na hinaharap ng publiko tuwing may kalamidad.

Ang ahensiya din ang tututok sa implementasyon ng mga plano ng gobyerno pagkatapos ng kalamidad o trahedya para sa mabilis at siguradong recovery.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *