Panukalang Rice allowance private sector employees isinisulong sa Kamara
Panahon na para aksiyunan ng Kongreso ang mga panukala para mabigyan din ng Rice Allowance ang mga empleyado sa pribadong sektor.
Ito ang nilalayon ng House Bill 1296 na inihain ni Congressman Wilbert Lee ng AGRI Partylist na mabigyan ng rice allowance ang mga private sector employees.
Ayon kay Lee, kapag naisabatas ang panukala malaking bagay ang rice allowance sa mga private sector employee habang matutulungan naman ang kabuhayan ng mga magsasaka, dahil maibebenta ang kanilang ani dahil sasailalim sa corporate farming agreements ang mga korporasyon para makapaglaan ng 600-kilograms ng bigas o mais sa bawat empleyado o katumbas ng 50 kilos kada empleyado bawat buwan.
Magugunitang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na hahanapan ng gobyerno ng alokasyon para mabigyan ng rice allowance ang mga government employee at makatulong sa kanilang gastusin.
Katuwiran ni Lee “sana all” kung merong rice allowance sa mga empleyado ng gobyerno, dapat meron din sa mga private sector employee.
Vic Somintac