Panukalang Sex education sa mga eskwelahan tinalakay na sa plenaryo ng Senado

Tinalakay na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na naglalayong ituro sa paaralan ang mga dapat gawin para maiwasan ang maagang pagbubuntis.

Ito’y ang panukalang Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2020 na inakda ni Senator Risa Hontiveros at inaprubahan ng Senate Committee on Women and Family Relations.

Ayon kay Hontiveros, ang pag-iingat sa maagang pagbubuntis ng mga batang edad 10 hanggang bago mag-21 ay puwedeng gawing bahagi ng mga subject na Science o Social Studies.

Sa debate, kinuwestyon ni Senate President Vicente Sotto III kung nangangahulugan ito ng distribusyon ng contraceptives sa mga estudyante.

Maraming kasi aniyang eskwelahan ang asiwa na pag-usapan ito sa mga silid-aralan.

Pero depensa ni Hontiveros, ang ituturo naman sa mga kabataan ay komprehensibong sexual education at hindi rito hangad ang pamimigay ng mga contraceptive.

Ang isusulong din  ay abstinence o pag-iwas sa pakikipagtalik at ang pagtuturo rin sa mga kabataan kung paano makaiiwas sa mga sexually transmitted disease.

– Meanne Corvera


Please follow and like us: