Panukalang student loan, isusulong ni dating QC Cong. Bingbong Crisologo sakaling makabalik sa kongreso

0
BINGBONG CRISOLOGO

Sinabi ni dating Quezon City Cong Bingbong Crisologo, na kung kaya ng gobyernong pondohan ang iba’t ibang klase ng ayuda, dapat ay magkaroon din ng student loan sa bansa.

Ayon kay Crisologo, sakaling palarin na muling makabalik sa kongreso, isa sa isusulong niya ay ang panukalang student loan.

Aniya, nakapanghihinayang ang mga kabataang nagtapos ng high school at gusto pa sanang magkolehiyo, pero walang kakayahang pangpinansyal.

Sa kanyang isusulong na panukala, hindi na kailangang maging scholar ng isang estudyante.

Pagkagraduate sa college at makapagtrabaho, ay saka niya unti-unting babayaran ang student loan.

Binigyang diin ni Crisologo ang kahalagahan ng edukasyon na syang isa sa mas dapat aniyang tutukan ng pamahalaan.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *