Panukalang ₱3.7T budget para sa 2018, sinimulan nang hinayin ng Senado
Sinimulan nang himayin ng Senado ang hinihinging 3.7 trillion National budget ng gobyerno para sa 2018.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance, sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na malaking porsyento ng budget ay mapupunta sa mga pro-poor programs ng gobyerno partikular na sa conditional cash transfer program at pagtatayo ng mga imprastraktura sa ilalim ng build build build program.
Pero kinuwetsyon ni Senador Panfilo Lacson ang si Diokno kung bakit tuloy ang ginagawang pangungutang ng Pilipinas gayong bilyon-bilyong piso ang natitirang savings taun-taon.
Katunayan, Agosto na aniya ngayong taon, may natitira pang 422 billion pesos mula sa 2017 budget na hindi pa nagagamit o unused appropriations.
Kung pagbabatayan aniya ang datos ng Department of Budget and Management mula noong 2010, halos taun-taon, umabot sa 2.8 hanggang 3 percent ang hindi nagagamit na pondo.
Iginiit ni Lacson na kung gagastusin ito ng gobyerno, makakatulong ito sa pag-angat ng GDP growth rate na maaring pumalo pa sa 10 percent.
Ulat ni : Mean Corvera