Panuntunan sa naturalization ng refugees at stateless persons, pinasimple at pinadali ng Korte Suprema
Pormal na inilunsad ng Korte Suprema ang pinagtibay nito na panuntunan sa naturalization ng mga refugees at stateless persons.
Binuo ang Rule on Facilitated Naturalization of Refugees and Stateless Persons para gawing simple at mabawasan ang mga legal at procedural hurdles at mga gastusin para makakuha ang mga ito ng Philippine citizenship.
Ito ang una sa buong mundo na judiciary-led initiative para mapadali ang naturalization process ng mga refugees at stateless person.
Binanggit ng Supreme Court na mula 2006 hanggang 2018 ay walong dating refugee lamang ang nabigyan ng citizenship dahil sa mahigpit na patakaran.
Isa sa mga salient features ng Rule ay ang pagpayag sa mga unaccompanied children na maghain ng petition for naturalization sa pamamagitan ng DSWD at iba pang katulad na ahensya.
Sa ilalim din ng panuntunan, maaari nang ilathala online ang naturalization petitions sa halip na sa mga dyaryo para mabawasan ang gastos sa aplikasyon.
Moira Encina