Papua New Guinea tinamaan ng 6.5-magnitude na lindol: USGS
Tinamaan ng isang malakas na 6.5-magnitude na lindol ang northern Papua New Guinea kaninang umaga, ngunit walang banta ng tsunamui ayon sa US seismologists.
Sinabi ng US Geological Survey na ang sento ng lindol na tumama ala-6:56 ng umaga (local time), ay halos 110 kilometro (68 milya) sa silangan-timog-silangan ng Kimbe sa isla ng New Britain, sa lalim na 64 kilometro.
Sa isang pahayag ay sinabi ng Pacific Tsunami Warning Centre, na walang banta ng tsunami. Wala ring agad na ulat ng mga pinsala.
Nagkagulo ang rehiyon noong nakaraang buwan, makaraang hindi bababa sa limang katao ang namatay at tinatayang 1,000 bahay ang nawasak kasunod ng magnitude 6.9 na lindol.