LPPWP Wetland Centre Complex ,pinasinayaan
Kasabay ng pagdiriwang ng World Migratory Bird day, pinasinayaan na ang Parañaque wetland park wetland centre complex sa Las piñas.
Sina Senador Cynthia Villar at Environment Secretary Maria Antonia Loyzaga ang nanguna sa pagpapasinaya sa wetland park na target gawing eco tourism destination sa Metro Manila.
Makikita rito ang wetland education at learning centre, Museum at Science hub at Cultural Heritage Centre.
Ayon kay Villar na Chairman ng Senate Committee on Environment, mahalagang protektahan ang wetland park na nagsisilbing bahay ng mga migratory birds.
Nakakatulong rin ito para protektahan ang mga residente sa Las Piñas at Parañaque sa mga malawakang pagbaha at isa sa mga pinagkukunan ng pagkain ng mga mangingisda.
May ugnayan na ang Pilipinas sa German Government para magtayo ng Marine laboratory habang ang French Government ang tutulong para sa iba pang pasilidad .
Pero inamin ng Senador na sa ngayon nananatili aniya ang banta sa wetland park dahil sa ibat ibang reclamation projects.
Meanne Corvera