Parents’ groups, hinimok ang publiko na i-boycott sa eleksyon ang mga militanteng aktibista at politiko na konektado sa CPP- NPA
Nanawagan ang ilang grupo ng mga magulang na huwag iboto sa darating na halalan ang mga militanteng partylist at iba pang mga politiko na konektado at supporters ng CPP-NPA-NDF.
Ang mga ito anila ay sina Bayan Muna Chair Neri Colmenares, Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna at Gabriela Partylist o CKABAG.
Ang apela ay ginawa ng mga magulang ng mga estudyanteng sinasabing nirecruit sa NPA sa pagdiriwang ng International Human Rights Day.
Bilang pagkondena rin sa mga anila’y human rights violations ng CPP- NPA, pinagbabato rin ng mga kamatis ng mga lider ng parents’ organizations ang mga larawan ng mukha nina Colmenares at CPP Founder Joma Sison.
Ayon sa mga grupo, dapat maging matalino ang mga botante at magkaisa na i-boycott sa halalan ang mga nasabing militanteng aktibista na legal front ng CPP-NPA.
Ito ay para wala anilang maging tsansa na makabalik sa Kongreso at Senado ang mga militanteng grupo.
Nanindigan ang mga magulang na ang mga nasabing partylist organizations ang pangunahing nanamantala sa mga kabataan at karapatang pantao.
Nagpasalamat din sa mga mahistrado ng SC ang parents’ groups sa pagkatig ng mga ito sa Anti- Terror law.
Patunay anila ito na buhay pa ang justice system sa bansa.
Itinuturing din nila na tagumpay ng mga magulang ang pagpapatibay ng SC sa ligalidad ng Anti- Terror law dahil mapipigilan ang mga kasinungalingan at panloloko ng mga terrorist groups sa mga kabataan.
Moira Encina