Pasahero sa NAIA, tumaas ng 158% sa Q1 ng 2023

Umabot sa mahigit 10.85 milyong pasahero ang naitala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa unang quarter ngayong taon.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), mas mataas ito ng 158% kumpara sa mahigit 4.2 milyong pasahero sa unang tatlong buwan noong 2022.

Bukod dito, sinabi ng MIAA na tumaas din ng 77% ang flight movements sa first quarter ng 2023 o 67,781 kumpara sa mahigit 38,000 noong 2022.

Naniniwala ang MIAA na mas kumpiyansa ang mas maraming biyahero na pumasok at lumabas ng bansa dahil sa pagluluwag sa travel restrictions at muling pagbubukas ng borders ng Tsina at Hong Kong.


Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *