Pasay City at Manila area, makakaranas ng Water interruption ngayong bakasyon
Nag-anunsyo ng maintenance activities ang Maynilad water services bilang bahagi ng pagsasa-ayos sa kanilang serbisyo.
Ang water repair at interruption ay isasagawa sa March 28, Miyerkules, alas- 3:00 ng hapon hanggang March 30, Biyernes ng alas-2:00 ng madaling araw.
Ilan sa mga gagawin ay ang Valve Replacement sa Ermita Pumping station, Valve insertion sa Quirino, avenue extension corner Plaza Dilao at Flow Meter installation sa kahabaan ng Estrada corner Espiritu at Labores street.
Dahil dito, apektado ng water service interruption ang mga sumusunod:
Manila Area:
Ermita: Barangays 659 to 661, 663, 664, 666 at 670.
Malate: Barangays: 696 to 701, 709, 713, 716, 717, 719, 720, 726, 734 at 744
Paco: 662, 671, 672, 674, 676 to 685, 821 to 832
Pandacan: Barangays 833 to 868, 870 to 872
At Santa Ana: 745 to 762
Pasay City area:
San Isidro: Barangays 1 to 9, 14 to 23, 33 to 37, 41 to 48
San Rafael: 68 to 75, 80 to 92
San Roque: 97 to 100, 113 to 119, 136 to 143
Sta. Clara: 49 to 96, 101 to 112, 120 to 135
Pinapayuhan ang mga residente ng nasabing mga barangay at lugar na mag-imbak na ng tubig dahil sa inaasahang delay at pagkawala ng suplay ng tubig.
=============