Pasay City walang bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 4 na araw
Wala nang aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Pasay.
Ayon sa Pasay City Epidemiology and Surveillance Unit, wala nang naitalang bagong kaso ng COVID sa nakalipas na apat na araw sa lungsod.
Iniulat din ng Pasay City Health Office at Pasay City General Hospital na walang pasyente na na-admit sa lahat ng mga isolation facilities sa pagamutan at sa MOA Complex.
Itinuturing itong malaking tagumpay ng lokal na pamahalaan dahil sa naging hotspot ang Pasay sa tumataas na kaso ng virus sa Metro Manila.
Ang maigting na vaccination campaign sa lungsod ang isa sa pangunahing nakikitang dahilan ng Pasay LGU kaya bumaba ang bilang ng kaso ng sakit.
Sa pinakahuling tala, nasa 753,000 katao na ang naturukan ng anti- COVID vaccines sa Pasay.
Kabilang na rito ang mga non-residents na nagtatrabaho sa Pasay.
Moira Encina