Pasay LGU dapat tularan sa kampanya kontra POGO – PAOCC

0
Pasay LGU dapat tularan sa kampanya kontra POGO – PAOCC

PASAY CITY PIO

Pinuri ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz, ang seryosong kampanya ng Pasay City Government upang lubusan nang wakasan ang iligal na operasyon ng Philippine Gaming Offshore Operators (POGO) sa bansa.

Ayon kay Usec. Cruz, mismong si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang nanguna sa pagkakalansag ng isang malaking POGO hub sa limang palapag ng One Wheels Condominium sa SM MOA Complex, Brgy. 076, Pasay City noong Miyerkules ng hapon, Feb. 26, kung saan nasa 455 katao ang naaktuhang nagsasagawa ng iba’t ibang elicit operations tulad ng ‘love scam,’ ‘investment scam,’ at ‘crypto-currency scam.’

Giit pa ni Cruz, sana ay gawing modelo ang Pasay LGU na nagpapakita ng solidong suporta sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr., na walisin at tuluyang nang tuldukan ang POGO operations sa bansa.

Courtesy: Pasay City PIO

Sa 455 na naabutan ng joint operations ng Pasay LGU, PAOCC, at mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa ni-raid na gusali, nasa 404 ang dayuhan na kinabibilangan ng Chinese, Indonesian, Malaysian, Korean, at Vietnamese nationals, habang 51 naman ang mga empleyadong Pinoy na pawang nambibiktima ng mga dayuhan at marami ring Pinoy ang kanilang nabibiktima.

Sa panig ni Mayor Calixto-Rubiano, sinabi nito na simula’t sapul mahigpit na ang kanyang direktiba sa Pasay Police at sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) na huwag papasukin ang mga iligal na POGO sa lungsod.

Courtesy: Pasay City PIO

Dagdag pa ng alkalde, simula noong June 2024 , umabot sa 164 ang naipasarang POGO operations sa lungsod ng Pasay.

Nagbabala rin ito sa mga nag-ooperate pa ng palihim o ‘guerilla type’ na POGO operations na huwag nang magtangkang magpatuloy, dahil hindi niya hahayaang babuyin at maghari-harian ang mga dayuhang POGO operators sa lungsod ng Pasay.

Courtesy: Pasay City PIO

Nagkasundo naman ang Pasay LGU, iba’t ibang ahensya at law enforcement ng national government sa pangunguna ng PAOCC, CIDG at Department of Justice (DOJ), na hindi sila titigil sa pagbuwag sa mga POGO at iba uri ng iligal na negosyo ng mga dayuhan sa bansa.

Virnalyn Amado

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *